03 December 2008

Tagalog Tag from Maya

(Note: I've done this tag before but am posting it again so some would get to know more of me and besides, I'd like to have this tag posted in Tagalog.)

Ang tag na ito ay kusang ibinigay sa akin ni Maya. Nakasalin kasi sa Tagalog kaya pilit ko tong ibabahagi rin sa Tagalog pwera lang sa titulo ng tag na ito. Alam kong dudugo talaga lalo ang ilong ko nito kasi nga hindi ako sanay na nagtatagalog (syempre, Bisdak eh!). Bago ang lahat, maraming salamat Maya. Ngayon ko lang naramdaman ang importansya ng Wikang Filipino (lol!):

Narito ang kabuuan ng tag:

10 Facts About Myself:


1. Ako ay isinilang sa lalawigan ng Bohol, nakatira ng labing walong taon sa isang munting lalawigan sa Davao Oriental at nang tumuntong ng kolehiyo ay nanirahan na rin dito sa mapayapang lungsod ng Dabaw. Umuuwi pa rin ako paminsan-minsan sa amin sa Davao Oriental tuwing nagbabakasyon o tuwing sasapit ang Bagong Taon.

2. Ako ay mahilig sa manok. Sa katunayan, nagkakaron ako ng allergy nito kaya't sa loob ng halos tatlong buwan ay ipinagpaliban ko muna ang pagkain ng manok. Pero nung araw na gustong gusto ko na talagang kumain ng manok sa KFC, di ko na rin napigilan at bumalik ako sa dati kong gawi. Salamat naman at hindi pa rin ako amoy manok sa ngayon.

3. Una akong nakasakay ng eroplano noong taong 2006 at sa taong 2007, naka-siyam na lipad ako sa iba't-ibang destinasyon kasali na dun ang isang lipad pang-internasyonal.

4. Isang beses lang ako nakaapak sa Baguio at gustong gusto ko pang bumalik uli doon.

5. Ipinagmamalaki ko ang Mindanao lalo na ang lungsod ng Dabaw. Hindi totoo ang mga balita balitang magulo ang Mindanao.

6. Hindi ako marunong magluto pero may interes ako na matuto nito.

7. Super mahilig ako sa musika at sa pagkanta.

8. Nirerespeto ko ang aking mga magulang nang higit sa lahat.

9. Mahiligin ako sa mga bata.

10. Mahal ko ang aking pamangkin at itinuring ko syang pinakapaborito kong bata sa buong mundo.

Sana naman naiintindihan nyo ang tag na 'to. :)

No comments: